Tinig Sa Dilim
[Cyrano]
Ang nais ko y
Mga bituin sa palad mo
Kun di man buong langit
Ang maialay sa yo
Ngunit sadyang
Ako pa y ikinukutya
Bulaklak lamang ang nakamit
Handog sa minumutya
[Roxane]
Ang bulaklak nga ba y di pa sapat
Ako ba y di nagagalak
Ang halimuyak niyang sa king hatid
Higit pa sa paghandog ng buong daigdig
[Cyrano]
Maging ang buong daigdig ang ipalit
Hindi papantay sa aking pag-ibig
At kahit anong yaman ang itapat
Walang kasing halaga
Ang pusong hinahangad
Walang ibang maialay sa yo
Kundi bulaklak at ang awit na ito
Nawa y pakatandaan mong hindi
Magmamaliw ang aking pag-ibig
[Cyrano & Roxane]
Maging ang buong daigdig ang ipalit
Hindi papantay sa aking pag-ibig
At kahit anong yaman ang itapat
Walang kasing halaga
Ang pusong hinahangad
[Instrumental]
[Cyrano & Roxane]
Ako ngayon ang tinig sa dilim
(Ikaw ngayon ang tinig sa dilim)
Dinggin mo sanang aking dalangin
(Dinig ko ang yong dalangin)
Di man alintana ang aking mukha
( Di man alintana ang yong mukha)
Narito ang mga salita
(Ngunit damang salita)
[Cyrano]
Sayo ay inaalay
Hinding hindi wawalay
Em A-Asus-A
Mananatili sa dilim
At sa yo lamang iibig
[Ending]