verse 1
oras na lumipas
hindi namalayan
ang layo na ng kahapon
taon na nga ba o buwan
bigat ng bawat araw
dahan-dahan nawala
gaan ng bawat bukas
kinasasabikan
chorus:
mahirap magtiwala
tapos ng lahat
ng pinagdaanan natin
sa piling ng iba
hindi makapaniwala
na pwede pa pala
magkahanapan
mga pusong sugatan
verse 2
imposible nga raw
minsan lang magtugma
buwan, bituin at araw
tila ipininta
ang ating tadhana
para bang tinakda
araw oras tagpuan
alam na natin dalawa
chorus:
mahirap magtiwala
tapos ng lahat
ng pinagdaanan natin
sa piling ng iba
hindi makapaniwala
na pwede pa pala
magkahanapan
mga pusong sugatan
INSTUMENTAL: 2X
chorus:
mahirap magtiwala
tapos ng lahat
ng pinagdaanan natin
sa piling ng iba
hindi makapaniwala
ang swerte ko pa pala
ng magkahanapan
mga pusong sugatan