Itatawid Sa Landas
Arnel De Pano
Intro:
- / - - -
Verse 1
Sa bawat dahon ng aklat ng buhay
Bakas ang luha na tumataglay
Inaanod ang pag-asa, unti-unting nawawala
Haligi ng munting daigdig ko..
Verse 2
Minsay nanlalamig na rin ang araw
Init ng hangin may giniginaw
Nanlulumo nalulumbay hanap ay isang gabay
Sa piling mo y hindi mabibigo...
Chorus
Kahit magunaw man ang daigdig
Lisanin man ng init ang mundong manlalamig
Kahit pa humayo sa daang magkabilay bangin
Ikaw pa rin o Diyos ikaw pa rin
Pag-ibig Mo ay hindi magwawakas
Kalinga Mo o Diyos ang siyang magbibigay lakas
Sa anumang panganib ginintuan ang Iyong pagliligtas
Panatag na tiyak itatawid Mo sa landas
Verse 3
Kung sa tadhana y di nais ang guhit
Pawang sagabal ang sinasapit
Ikaw ang Siyang tatawagan saro ko y aapawan ng
Pag-asang kailanma y dulot Mo...
(Repeat Chorus)
Itatawid, ililigtas, ihahatid hanggang wakas
Hanggang wakas...
Chorus 2
Kahit magunaw man ang daigdig
Lisanin man ng init ang mundong manlalamig
Kahit pa humayo sa daang magkabilay bangin
Ikaw pa rin o Diyos ikaw pa rin
Pag-ibig Mo ay hindi magwawakas
Kalinga Mo o Diyos ang siyang magbibigay lakas
Sa anumang panganib ginintuan ang Iyong pagliligtas
-
Panatag na tiyak itatawid Mo sa landas
- - - - (Gm----F)
Itatawid Mo sa landas