Upuan
Florante
Intro: -,-,-,-,
Nakaupo ako, lumalamon sila
Masasaya itong aking mga kaibigan
Abot-kamay nila ang bunga ng puno
Dahil balikat ko ay ginawang tuntungan
Habang namimitas, lalong natatakam
Sila ay para bang wala ng kabusugan
Kahit alam nilang mayroong mga langgam
At ang aking paa ang siyang inuupakan
Nais ko nang magpahinga
Marami na kong nagawa at natulungan
Ako y labis na nag-aalala
Baka ang puno ay tuluyan nang maubusan ng bunga
Interlude: -,-,-,-,
Nakaupo ako, nagbabantay sila
Ang mga aso ko y laging maaasahan
Hindi ko lang alam ang binabantayan
Ito bang puno o itong aking upuan
Itali ko kaya sa bahay ng langgam
Maglilingkod ba o maghahari-harian
Masasagot lamang ang malaking tanong
Kapag ako ay nawala na nang lubusan
Nais ko nang magpahinga
Marami na kong nagawa at natulungan
Ako y labis na nag-aalala
Baka itong mga aso ay maulol at magwala
Interlude: -,-,-,-,
Nakaupo ako, naiinggit sila
Silang nais na pumalit sa aking upuan
Ayokong tumayo sa upuang ito
Kahit ito y sinusurot at inaanay
Ang upuang ito ay para sa bantay
Ng punong ang ibinubunga y kayamanan
Nangangamba ako kung uupo sila
Baka ang puno ay lalong mapabayaan
Nais ko nang magpahinga
Marami na kong nagawa at natulungan
Ako y labis na nag-aalala
(Coda)
Marami ang magtutulakan makuha lang ang aking upuan
Coda: -,-,-,-hold