--------------------------------------------------------------------------------------------
SANA NGA
Words and Music: Jhay Ehidio
--------------------------------------------------------------------------------------------
Verse:
Bakit ba nariyan na naman?
Di ko na lubusang masilayan
Sinag ng kaliwanagan
Sadya bang ganyan ang pasan
At sa muling pagkakataon
Bumabalik ang kahapon
Sa utak ko y gumugulo
Kaya ngayon ay nilalayong
Chorus:
Makita ka
Makita ka
O ngayong gabi bago mawalay
Paano ba?
Paano na?
Kung pati ikaw ay mawawala
Verse:
Maaari bang pagpaliban
Hinagpis ng paglisan
Nang sa muli ay mahawakan
At masabi ang aking pagmamahal
Sana nga y
Chorus:
Makita ka
Makita ka
O ngayong gabi bago mawalay
Paano ba?
Paano na?
Kung pati ikaw ay mawawala
Refrain:
Lahat nababawi
Lahat nababawi
Lahat nababawi
Sana nga
Lahat nababawi
Lahat nababawi
Lahat nababawi
Sana nga
Coda:
Heto na ang aking panghuli
Umaasang mababawi
At masabi sa king sarili
Lumaban ako hanggang sa huli
--------------------------------------------------------------------------------------------
That s all...thank you!
--------------------------------------------------------------------------------------------