Intro: ---- (3x)
-----
break
Salita, puro ka salita
Ganyan ka kaibigan na kulang sa gawa
Tingnan mo ang mata ng buong madla
Sa yo nakatingin dahil sa ugaling masagwa
Ito y ugaling makikita sa tabi-tabi
Ba t mo pa rin pinaiiral sa iyong sarili
Di mo ba alam na ika y nahuhuli
Sa takbo ng panahon ika y nakausli
Animo y anghel kung magsasalita
Sa kilos nama y di mo makikita
Taong katulad mo y di dapat bigyan
Kahit katiting na puwang dito sa lipunan
Ang kabaitan ay di na sinasabi
Ganun din ang pagmamahal sa yong katabi
Ba t di mo na lang gawin ang dapat gawin
Ayon sa utos na dapat sundin
Salita, puro ka salita
Ganyan ka kaibigan na kulang sa gawa
Ba t di mo na lang gawin ang dapat gawin
Ayon sa utos na dapat sundin
Magbago ka, aking kaibigan
Kumilos ka, aking kapatid
--break
Magbago ka