Intro: -
Nilagang kape, tuyo at sinangag
Dilis na binusa at pritong tinapa
Sawsawang suka, bawang at paminta
Ganyan ang almusal na nakakagana
Nilagang itlog, kamatis na may asin
Ganyan ang laging kombinasyon sa pagkain
Isda man o karne, sadyang mahal ngayon
Kaya t ulam namin, inihaw na talong
Chorus
Dahil ako ay lumaki sa pagka - ing ganyan
Kahit anong ihain ng mahal kong nanay
Hindi ko na kailangan pa mag tinidor at kutsara
Ang magkamay ay mas mainam pa
Sardinas na maanghang, inutang lang sa tindahan
Manipis na pandesal sa kape y isinasawsaw
Presyo ng bilihin, hindi na makaya
Kaya t nagtitiyaga sa tuyo at tinapa
(Repeat Chorus)
Kaya nga ngayon, panaho y nagbago
Pagkain ng almusal, di na yata uso
Merong nagtitipid, gumagawa ng paraan
Ang almusal at tanghalian, pinagsasabay na lang
(Repeat Chorus except last word)
--
... pa
-
Kung ang ulam tuyo at tinapa
- break
Kung ang ulam tuyo at tinapa